DFA magsasagawa ng mobile passporting sa Rizal

ANTIPOLO CITY, Rizal, Sept 4 (PIA) — Muling pangungunahan ng Department of Foreign Affairs at Rizal ang mobile passporting sa SM Taytay Event Center, Taytay, Rizal sa Setyembre 22.

Maaari pang kumuha ng application forms sa 2nd Floor, Public Information Office, Rizal Provincial Capitol, Antipolo, Rizal at isumite kasabay nito ang dalawang photocopy ng NSO birth certificate at magdala ng dalawang valid ID.

Hindi tumatanggap ang DFA ng mga walk-in applicants kaya maaaring magsumite ng mga aplikasyon hanggang ika-10 ng Setyembre.

Gaganapin ang pagproseso ng mga passport mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Pinapaalalahanan din ang mga aplikante na dalhin ang kanilang mga appointment slip, halagang P 1,200 na pambayad sa processing fee, at magsuot ng damit na may kwelyo sa mismong araw ng personal appearance sa ika-22.

Maaaring makipag-ugnayan sa 620 2400 local 4802 para sa mga karagdagang katanungan. (GG-PIA4A)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261346663121

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s