Antipolo CSWD muling namahagi ng mga wheelchair sa PWDs

ANTIPOLO CITY, Rizal, Set 14 (PIA) — Patuloy ang pagbibigay ng biyaya ng Antipolo City Social Welfare and Development Office (CSWD) sa mga Persons with Disabilities (PWDs) na nangangailangan ng wheelchair.

Bahagi pa rin ito ng mga hiniling ng sektor na agad na ipinagkaloob ng pamahalaan.

Ayon kay Nadeia Sarte, OIC ng CSWD, ito ang pagpapatuloy ng ng pamahalaang lungsod ng Antipolo sa pagbibigay prayoridad sa mas nangangailangan.

“Ito yung mga request para sa wheelchair na patuloy na ibinibigay ng pamahalaan. Bagama’t maraming request na dumarating sa aming opisina, kailangang ibigay natin ang mas kailangang bagay ng ating mga mamamayan,” ayon kay Sarte.

Ibinigay kamakailan ang mga wheelchair na pambata at matanda na sinaksihan ni Atty. Menchie Leyble, executive assistant for Social Service.

Masaya naman ang mga kamag-anak ng mga benipisaryo sa biyayang natanggap. Anila, malaking tulong ito upang makabawas sa gastusin. (Antipolo PIO)

http://pia.gov.ph/news/index.php?article=2261347526861

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s